Curious lang mga kabayan, nabasa ko kasi na maraming naka-jackpot noon sa mga bounty campaigns during 2017 bull run, umaabot pa raw ng milyon sa value lalo na nung ATH.
Ang tanong ko lang, kumusta naman after all these years? Na-invest nyo ba yung mga tokens or na-cashout nyo agad? Meron pa ba natira sa inyo ngayon or ubos na rin dahil sa bear market at gastos sa real life?
Sarap siguro balikan kung gaano kadali kumita noon, pero gusto ko rin marinig kung anong ginawa nyo sa kinita nyo, may nag-business ba, bumili ng bahay, o napunta lahat sa trading at natalo rin?
Unfortunately, hindi ko na take advantage yung karamihan ng mga altcoins sa mga bounties during that time.
Back in 2017 noong sumali din ako dito sa forum, may isang signature campaign that pays you half in BTC; and half in altcoins. If I remember it correctly, parang yung altcoin was centered sa medical field. Medyo may duda pa ako during that time kaya ang nangyari, hindi ako nag bigay ng designated wallet address doon and I only provided my BTC wallet.
Fast forward to this year, if binigay ko sana yung wallet ko specifically for that altcoin, siguro nasa halagang ~p1M yung value ng altcoins na iyon. Yun nga talaga, isang napakalaking panghihinayang ito pero this taught me a lesson to really value and look forward sa future especially sa lahat ng cryptocurrencies available.