Curious lang mga kabayan if may naka-experience dito na nalugi dahil hindi na-update yung altcoins nila. Yung mga project na biglang nag-change network and they only give a few months to migrate, tapos pag nalate ka, magiging worthless na yung hawak mo.
Share if nangyari sa inyo, para aware din yung iba.
So far, di pa naman nangyayari sa akin kasi lagi kong sinusundan ang socials ng isang project, mapa-discord or X pa yan, naka notif sa akin. As long as naghahawak ka ng altcoins, lalo pa't hindi blue chip yan, dapat lagi kang updated sa kanila kahit ultimo airdrops dapat updated palagi at nakafollow sa mga social kasi nga yun yung basehan mo din if bullish pa ba ang isang alt. Tsaka madalas naman na ginagawa ng devs is kapag mag mimigrate, dapat cutloss na yung luma tapos airdrop nalang ulit sa respective na hawak nila sa luma, madalas kasi sa exp ko, dev na naghahandle niyan since unfair din sa ibang holders na hindi updated, para fair pa din at maayos ang distribution ng supply.
Kasi madalas fud yung ganon na hindi mo bibigyan ng token yung hindi nakapag-asikaso kasi may part pa din siya don sa liquidity ng token so dapat fair distribution pa din kaya afaik, dev madalas nagaasikaso. Also, migration/transfer of assets is madali nalang, madaming cross exchange na nageexist na din kaya wala pang isang oras pwede mo na agad matransfer yung funds kaya best option talaga dito is to follow socials para di nangyayari yung mga ganitong scenario.