Hi im un-employed, balak ko paglaanan ng oras etong YMIR para kahit papaano may pang gastos, kaya lang naga-alanganin ako baka kulang pa pambayad ko ng electric bill sa kikitain ko sa laro, any advice?
Hindi ako naglaro nito pero naglaro ako noon ng MIR4 noong kasikatan niya at kung ganun rin ang magiging trend ng larong to, ito ang mga need mo:
1. Need mo gumastos para maging malakas sa server mo at para makapagfarm ka ng maayos na pwede mong maibenta.
2. Need mo ng multiple accounts na dapat mong ihandle araw-araw para ma-maximize mo yung mga items na pwede mong maibenta.
3. Need mong sumama sa mga malalakas sa server mo para maambunan ka ng mga items or currencies na pwede mong maibenta IRL.
Kung sa laro mo kukunin ang pambayad mo sa electric bill, mas mabuti pang mag-business ka na lang or maghanap ka ng trabaho. Hindi ka kikita sa larong ito KAAGAD at need mong mag-grind ng malala para lumakas at makapagbenta ng mga items. Kung isa ka lang din sa mga karamihan jan na free-to-play lang, magiging pagkain ka lang ng mga whales. Pwede mong laruin ito pero babaan mo ang expectations mo pagdating sa kitaan. Hindi ko sinasabing hindi ka kikita pero para sa akin, marami kang need para kumita.
Maghanap ka na lang ng trabaho. Yun ang advice ko.