Kamakailan lang ay ibinalitang may bagong gas na nadiscover ang Pilipinas sa Malampaya East-1 reservoir. Ito ang unang discovery ng Pinas matapos ang halos isang dekada. Ang nadiskubra daw ay tumatayang nasa 98 cubic feet of gas. Dahil sa balitang ito napaisip ako kung paano nito maaapektuhan ang bitcoin mining industry sa Pilipinas.
Unang una ay dahil sa natural gas, maaaring mas mumura na ang kuryente sa bansa na maaaring maging tulay para sa mga bitcoin miners na ituloy na ang pagmamine ng bitcoin. Ang magandang balita pa ay may signs daw na maaari pang magproduce ang natagpuan nila.
https://pco.gov.ph/news_releases/pbbm-philippines-makes-major-gas-discovery-at-malampaya-east-first-in-over-a-decade/“Patunay ito na sa responsableng pangangalaga sa kalikasan at matibay na pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor, makakamit natin ang mas maasahang supply ng enerhiya para sa bawat Pilipino,” President Marcos concluded.
Alam mo ba kung ano lang yung isa sa pinakapanget na sistema dito sa bansa natin? ito ay ang kalakaran sa sistema ng billings natin sa kuryente, ito yung utilities sa bansa natin na para tayong legal na ninanakaw ng pera tapos hindi pa makatarungan ang singil na pinapataw sa per KW na binibigay sa atin mga nakokonsumong kuryente buwan-buwan.
Yung bansa lang ata natin ang pinaka-bukod tangi na sobrang mahal ng per KW na sinisingil sa ating mga tax payers dito sa bansa natin, kaya isa ito sa pangunahing reason din kung bakit sobrang konti nalang o wala na sigurong nagmimina pa ng bitcoin sa bansa natin.