May Akda:
PmalekOriginal na Akda sa English:
How to Export/Import Labels In Popular WalletsAng BIP-329 ay nagtakda ng bagong pamantayan para sa pag-export at pag-import ng mga labels galing sa Bitcoin wallets, pero maraming mga wallets parin ang hindi sumusuporta sa paggamit na ito.
Si dkbit98 ay gumawa ng maganda listahan sa kanyang topic,
BIP-329 Labels Export Wallets. Ang thread na iyon ay nag lilista ng wallets na sumusuporta sa BIP-329, pero gusto ko itaas pa to at ipaliwanag kung paano mag export/import ng labels na mano-mano sa mga sikat na software wallets at native apps ng hardware wallet kahit sila ay sumusuporta sa BIP-329 o hindi.
Simulan na natin at wag na natin itong patagalin.
Kinontak ko ang customer support ng mga sikat na wallet apps at tinanong ko sila ng impormasyon tungkol sa exporting labels ng kanilang software. Ang mga sumusunod na impormasyon ang sinabi nila sa pamamagitan ng chat o e-mail, at mga karagdagang info na nakalap ko online.
Ang topic na to ay work in progress. I-uupdate ko to kapag lumabas ang mga bagong impormasyon o may makita tayong impormasyon tungkol sa bagong wallets na sumusuporta sa importing at exporting ng labels.
Hardware Wallets at ang kanilang Native Apps*
Bitbox at Bitbox AppSumusuporta sa pag-export ng labels:
OO Ang Bitbox apps ay sumusuporta sa pag export ng pangalan ng account at transaksyon labels para sa Bitcoin gamit ang pamantayan ng BIP-329. Ang app ay tumutukoy sa impormasyon na exported bilang mga "tala".
Paano mag export ng mga tala galing sa Bitbox App:
1. I-connect at buksan ang iyong BitBox02 hardware wallet. (Pwede mo tong lagpasan kung meron kang naka-on ang 'Remember wallet' ng account mo).
2. Sa BitBoxApp, i click mo ang Settings at siguraduhin mo na ikaw ay nasa pahina ng General setting (heto ay karaniwang panguhaning pahina sa loob ng Settings).
3. Mag scroll pababa sa Pangkalahatang pahina.
4. I-Click ang buton na nagsasabing "Export notes".
5. Isang file saving na dialog ang magbubukas mula sa iyong operating system. Piliin mo ang gusto mong lokasyon at pangalan ng file, at i click ang Save.
6. Ang exported na file na naglalaman ng mga kinakailangang impormasyon para maibalik ang pangalan ng account at tala ng transaksyon. I save ang file na to ng ligtas o ilipat mo sa ibang device.
Paano i-import ang tala sa BitBox App:
1. I-connect at buksan ang iyong BitBox02 hardware wallet. (Pwede mo tong lagpasan kung meron kang naka-on ang 'Remember wallet' ng account mo).
2. Sa BitBoxApp, i click mo ang Settings at siguraduhin mo na ikaw ay nasa pahina ng General setting.
3. Mag scroll pababa sa Pangkalahatang pahina.
4. I-Click ang buton na nagsasabing "Import notes".
5. Isang file saving na dialog ang magbubukas mula sa iyong operating system. Pumunta at piliin ang naunang mong na-save na file na naglalaman ng mga tala na nais mong i import at i click mo ang Open.
6. Ang tala ng iyong transaksyon at pangalan ng account na galing sa file ay naibalik at makikita sa loob ng BitBoxApp.
*
ColdcardSumusuporta sa pag-export ng labels:
NO Wala mismong labels sa CC, ito ay nasa companion app katulad ng sparrow. Pwede mong i-export ang labels mo galing doon.
*
Foundation Devices at Envoy AppSumusuporta sa pag-export ng labels:
Yes- Applicable lamang ito sa Envoy Standalone wallets at hindi kung ang Envoy ay pinares sa Foundation hardware wallets..Ang Envoy ay sumusuporta sa exporting ng labels at tags bilang .json files sa format ng BIP-329.
Paano mag export ng labels gamit ang Envoy app:
1. Mula sa Account selection, i click mo ang dalawang pahalang na linya sa kaliwang taas.
2. I-Click ang "Backups."
3. I-Click ang "Advanced Backups."
4. Piliin ang "Export Tags & Labels (BIP-329)" at piliin ang lokasyon kung saan mo gusto i-save ang file.
5. I-Click ang "Save."
*
Jade at Blockstream AppSumusuporta sa pag-export ng labels:
NOSa sandaling ito, hindi posible ang pang export ng address labels or pangalan ng account mula Blockstream Green. Ang labels na napasok para sa transaksyon galing na pasadya are nakatago sa lokal at hindi kasama sa inyo recovery phrase o backup data.
*
Keystone at Keystone NexusSumusuporta sa pag-export ng labels:
NO Sa sandaling ito, Hindi sinusuportahan ng Keystone at pag export ng maramihan na address labels o pangalan ng account. Naiintindihan natin kung gaano kahalaga ang impormasyon na to, pinahahalagahan namin ang iyong mga pag puna.
Sa ngayon, ni rerekomenda ang pagtatala ng mano-mano ng kahit anong importanteng labels or pangalan ng account na gusto mo itago. Gayumpaman,
nilista namin ang iyong ninanais, at seryoso naming itong isasaalang-alang ang pagdagdag at pag suporta ng para sa exporting ng mga datos na to sa susunod na mga pagbabago.
*
Ledger at Ledger LiveSumusuporta sa pag-export ng labels:
NOSinusuportahan ng Ledger Live ang pag export ng kasaysayan ng transaksyon history pero hindi ang labels at pangalan ng account.
Tandaan na ang CSV export ay kasama ang iyong kasaysayan ng transaksyon, pero hindi kasama ang address labels o ang pangalan ng account. Para sa tiyak na pag report ng tax o mas detalyado pang pamamahala ng datos, isa isip ang paggamit ng serbisyo katulad ng ZenLedger, na makikita sa 'Discover' na seksyon ng Ledger Live.
Sa kasamaang palad, hindi sinusuportahan ng Ledger Live ang pag export at address labels o pangalan ng acount na direkta. Baka kailangan mong na i dokumento ito ng mano mano itong detalye kung sa tignin mo ay mahalaga ito para sa iyong talaan.
*
SafePal at SafePal AppSumusuporta sa pag-export ng labels:
NO*
SatochipSumusuporta sa pag-export ng labels:
NO*
Tangem at Tangem AppSumusuporta sa pag-export ng labels:
NO *
Trezor at Trezor SuiteSumusuporta sa pag-export ng labels:
YES Ang mga label na galing sa Trezor at pwedeng i-store nang lokal sa iyong device o i-sync sa cloud storage account mo, katulad ng Google Drive o Dropbox. Kapag naka on ang labeling feature, pwede mong i label ang pag pasok at pag labas ng transaksyon at addresses at palitan ang pangalan ng accounts.
Una, dapat mong i-enable ang labelling sa app. Heto ang paraan para gawin to:
- Buksan ang Trezor Suite at i-click ang gear icon sa kanang itaas para ma-access ang Settings.
- Sa Application settings tab, pumunta sa baba sa Labelling.
- I-Click ang toggle para i-enable ang labelling.
- I-Confirm ang iyong ginawa sa action sa iyong Trezor device.
- Piliin kung saan mo itatago ang iyong labels sa "Save labels" window (Dropbox, Google Drive, o lokal).
Paano i-label ang mga receiving addresses:
1. I-hover over ang cursor sa receiving address at i-click ang "Add label".
2. Ipasok ang label name at i-click ang berdeng checkmark upang kumpirmahin.
Paano i-label ang mga outgoing addresses:
1. Sa Send tab, hanapin ang "Address" input field.
2. I-Click ang "Add label".
3. Ipasok ang label name at i-click ang berdeng checkmark upang kumpirmahin.
Saan makikita ang mga labels na naka store ng lokal:
- MacOS: ~/Library/Application Support/@trezor/suite-desktop/metadata/
- Linux: ~/.config/@trezor/suite-desktop/metadata/
- Windows 11: C:\Users\YOURPCNAME\AppData\Roaming@trezor\suite-desktop\metadata
Basahin
ito para as impormasyon tungkol sa pagtago at paghanap ng Trezor Suite labels sa cloud.
Mga sikat na Software Wallets*
Blue WalletSumusuporta sa pag-export ng labels:
YES Sa kasalukuyan, ang Blue wallet ay sinusuportahan lamang ang pag export ng labels pero hindi ang pag import nito.
Para sa pag export ng labels, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
1. I-Click ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas ng bagong screen na lalabas.
4. I-Click ang "Export History to CSV" at pagkatapos ay i-click ang "Save" icon.
5. Ang mga labels ay ma-sasave sa file sa iyong device at ang field na ito at tatawaging "Memos".
*
ElectrumSumusuporta sa pag-export ng labels:
YES Ang Electrum ay sumusuporta sa exporting at importing ng labels na dati ay sini-save bilang JSON files.
Paano mag import o mag export ng labels sa Electrum:
1. Buksan ang iyong wallet sa Electrum.
2. I-Click ang "Wallet" at i-hover ang iyong mouse sa "Labels".
3. I-Click on "Import" at "Export".
4. Ipasok ang lokasyon ng na i-save na file kung ang ang importing o pag pili kung saan mo gusto i-save ang file kung exporting at i click ang "Open or "Save".
*
Liana WalletSumusuporta sa pag-export ng labels:
YES * Ang kredito ay kay satscraperSinusuportahan lamang ng Liana ang pag export ng labels bilang JSON files ayon sa pamantayan ng BIP-329. Ang importing ay hindi possible sa ngayon.
Paano mag export ng labels sa Liana Wallet:
1. Buksan ang iyong wallet at i-click ang "Settings".
2. I-Click ang "Import/Export".
3. Sa ilalim ng "Other formats" i-click ang "BIP 329 labels".
4. Piiliin ang lokasyon kung saan mo gusto i-save ang .json file.
*
Nunchuk WalletSumusuporta sa pag-export ng labels:
YES Sinusuportahan ng Nunchuk ang exporting at importing ng labels sa Nunchuk's export format o bilang JSON files alinsunod sa pamantayan ng BIB-329.
Paano mag export ng labels sa Nunchuk Wallet:
1. Buksan ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang "View wallet config."
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
4. I-Click ang "Export labels."
5. Piliin ang Nunchuk o BIP329 export format.
6. Ipasok ang lokasyon kung saan mo gustong i-save ang .json file.
Paano mag import ng labels sa Nunchuk Wallet:
1. Buksan ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang "View wallet config."
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
4. I-Click ang "Import labels."
5. Piliin ang Nunchuk o BIP329 import format.
6. Pillin ang lokasyon kung saan mo na-save ang .json file at i-import mo.
*
Sparrow WalletSumusuporta sa pag-export ng labels:
YES Sinusuportahan ang exporting at importing ng labels na dati ay sini-save bilang JSON files ayon sa pamantayan ng BIP-329.
Paano i-import o export ang labels sa Sparrow Wallet:
1. I-Load ang iyong wallet sa Sparrow.
2. I-Click ang "File".
3. I-Click ang "Import wallet" para sa pag import ng labels o "Export wallet" para sa pag export ng labels.
4. Ipasok ang lokasyon ng na i-save na file (kung importing) o pag pili kung saan mo gusto i-save na exported na labels file (kung exporting).
*
Specter WalletSumusuporta sa pag-export ng labels:
YES * ang kredito ay kay nc50lcSinusuportahan ng Specter ang exporting at importing labels na dati ay na saved bilang CSV files. Ang software ay compatible sa Electrum's exports.
Paano mag export ng labels sa Specter Wallet:
1. Buksan ang iyong wallet sa Specter Desktop.
2. I-Click ang "Transactions" tab.
3. I-Click ang "Export" at "Export Transactions to CSV".
4. I-Click ang "Done" na buton.
Paano mag import ng labels sa Specter Wallet:
1. I-Open ang wallet sa iyong Specter Desktop.
2. I-Click ang "Settings" tab.
3. I-Click ang "Advanced".
4. I-Click ang "Import" o "Upload File" buton at lumipat sa iyong na saved na label files.
Sources:
https://trezor.io/guides/trezor-suite/trezor-suite-desktop/labels-in-trezor-suitehttps://support.bitbox.swiss/managing-wallet-labels-bip-329/import-export-notes-labels-bip329
Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng: