Bitcoin Forum
December 29, 2025, 04:09:55 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Paano pataasin ang activity natin?  (Read 236 times)
Russlenat (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3388
Merit: 1073


Want to run a signature campaign? msg Little Mouse


View Profile
September 15, 2024, 03:23:52 AM
Merited by Ziskinberg (1), arwin100 (1), PX-Z (1)
 #1

Pansin ko lang, mukhang hindi na gaano ka-active dito sa local. Sorry, kasali pala ako sa mga hindi na active dito sa local kasi napansin ko na walang masyadong interesting topic at konti na lang tayo dito. Sa tingin ko, ang pinakamalaking bagay na magmo-motivate sa pag-post dito sa local ay kung may mga merits na matatanggap. Unfortunately, konti lang ang merits na pumapasok dito dahil wala na tayong merit source. Ang huling merit source natin o ang kaisa-isang merit source natin ay wala na kasi hindi niya naidepensa ang liquidation ng mga donations, kaya nagkaroon siya ng negative tag, at marahil iniwan na rin niya ang account niya.

Gusto ko sanang makatulong, at para na rin sa ating lahat, na gumanda ang takbo ng local natin. Hindi naman natin maikakaila na lumakas na rin ang crypto sa bansa natin. Patunay niyan ay ang pagkakaroon ng maraming local exchange. Kung meron tayong mga kababayan na gustong matuto tungkol sa crypto investment o mga paraan para kumita sa crypto, mas mabuti kung dito sila makakakuha ng impormasyon kaysa mapunta sa ibang platform na posibleng scam lang ang naghihintay sa kanila.

Speaking of merits, isa lang ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang. Saan ba tayo kukuha ng merits, o kaya ba nating ma-recycle ang merit dito sa forum? Ito ay para ma-encourage ang mga members, lalo na ang mga low rank, na mag-participate.

Nakikita ko na may mga local members na nakakakuha ng merits sa labas ng local, at naidi-distribute naman nila dito. That’s appreciated kasi malaking tulong iyon sa community. Pero dahil limitado lang ito, ano pa ba ang puwede nating gawin para mabalik ang sigla dito?
gunhell16
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2296
Merit: 589



View Profile
September 15, 2024, 02:30:43 PM
 #2

Kung ang ibig mong sabihin ay yung pagtaas o pagkakaroon ng merit ay meron akong naiisip kaya lang ayokong pag-usapan dito sa lokal forum natin. mas magandang pag-usapan natin sa ibang platform tulad ng telegram or iba pang platform. Ngayon, kung iisipin ng iba bakit hindi nalang dito sa forum? or baka isipin ng iba ay maningil ako ng pera, hindi mangyayari yun dahil hindi ko ugali yun.

Sa mga nangyayari talaga ngayon, napakahirap makakuha ng merit sa platform na ito kung hindi attractive yung mga post na gagawin mo, second, tulad ng sinabi mo wala tayong merit source sa lokal natin so ang resulta talagang sariling sikap ang bawat isa sa atin para makakuha ng merit. Saka sa ibang binanggit mo ay tama karin na yung ibang mga ka lokal natin mas ninanais na gumawa ng post topic sa ibang section dahil mas nakakakuha nga ng ibang merits sa ibang lahi kumpara sa lokal natin dahil iilan lang nga yung nagbibigay kahit pa sabihin na natin na may sense naman yung post ng ibang mga kababayan natin. At nakikita ko na iilan lang yung nagbibigay ng appreciation na mga kababayan natin sa effort na ginagawa ng iba na gumagawa ng topic.

Pero tulad nga ng sinabi ko meron talaga akong naiisip, kaya lang hindi ko yun magagawa na mag-isa lang kailangan may grupo talaga katulad ng ibang lahi na ginagawa nila sa kanilang lokal section. Dahil dito sa naiisip ko na ito hindi lang natin mapababalik ang sigla ng lokal section natin sigurado din na magiginga masaya din ang lahat ng mga kababayan natin.
bhadz
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3024
Merit: 620



View Profile WWW
September 15, 2024, 09:41:13 PM
 #3

Pero dahil limitado lang ito, ano pa ba ang puwede nating gawin para mabalik ang sigla dito?
More engagement lang siguro. At dahil na din sa mga campaigns na hindi binibilang yung local posts kung kaya di sila nagpopost at active dito. Madaming mga kababayan natin na active sa forum pero di sila mag stop by dito kasi hindi counted. Sa tingin ko kabayan i-push mo yung pag apply bilang merit source dito sa local natin para madaming bumalik at kahit papano sumilip silip dito. Siguro kung marami ding mga giveaways baka isa din yung magpapasigla dito sa local.
Russlenat (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3388
Merit: 1073


Want to run a signature campaign? msg Little Mouse


View Profile
September 16, 2024, 02:56:36 AM
 #4

Kung ang ibig mong sabihin ay yung pagtaas o pagkakaroon ng merit ay meron akong naiisip kaya lang ayokong pag-usapan dito sa lokal forum natin. mas magandang pag-usapan natin sa ibang platform tulad ng telegram or iba pang platform. Ngayon, kung iisipin ng iba bakit hindi nalang dito sa forum? or baka isipin ng iba ay maningil ako ng pera, hindi mangyayari yun dahil hindi ko ugali yun.

I sent you a PM, kabayan. If it helps our local community grow and become more active, we'll do it as long as it doesn't break any forum rules.

This is about helping our local forum grow, and we all know that the best way is to ensure there are enough merits being distributed here. I mean the regular users who are really active, not those who drop by then forget about their accounts. With more regulars, the forum will grow faster, and more newbies or even people without accounts will be able to read and learn valuable information about crypto as a whole.


More engagement lang siguro. At dahil na din sa mga campaigns na hindi binibilang yung local posts kung kaya di sila nagpopost at active dito. Madaming mga kababayan natin na active sa forum pero di sila mag stop by dito kasi hindi counted. Sa tingin ko kabayan i-push mo yung pag apply bilang merit source dito sa local natin para madaming bumalik at kahit papano sumilip silip dito. Siguro kung marami ding mga giveaways baka isa din yung magpapasigla dito sa local.
I'm thinking of creating more topics in the forum to boost engagement from fellow members. It won’t just focus on topics about the Philippines but also cover global issues since crypto is worldwide. The more we know about what's happening around the world, the more aware we’ll be.
PX-Z
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2044
Merit: 1248


Wallet transaction notifier @txnNotifierBot


View Profile
September 20, 2024, 12:23:16 AM
 #5

Feeling ko, mga contest thread with a little prize (lol) ang gusto ng nakakadami for activity tapus discussion thread related sa contest. Isa pa mga campaigns na hindi counted dito sa local ang isang rason bakit iilan lang nag po-post dito.

Kung ang ibig mong sabihin ay yung pagtaas o pagkakaroon ng merit ay meron akong naiisip kaya lang ayokong pag-usapan dito sa lokal forum natin...
Regardless, isa sa mga goal ko talaga is to give merit (at least 1) on every thread made dito sa local lalo na yung nasa top and active, mapapansin niyo yan if you checked every thread, it's to encourage everyone na gumawa ng thread/topics to make the local active ulit.

Russlenat (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3388
Merit: 1073


Want to run a signature campaign? msg Little Mouse


View Profile
September 20, 2024, 01:44:54 AM
 #6

Feeling ko, mga contest thread with a little prize (lol) ang gusto ng nakakadami for activity tapus discussion thread related sa contest. Isa pa mga campaigns na hindi counted dito sa local ang isang rason bakit iilan lang nag po-post dito.
Salamat sa idea kabayan, kung meron akong budget, baka maka pag host ako ng contest dito.

Kung ang ibig mong sabihin ay yung pagtaas o pagkakaroon ng merit ay meron akong naiisip kaya lang ayokong pag-usapan dito sa lokal forum natin...
Regardless, isa sa mga goal ko talaga is to give merit (at least 1) on every thread made dito sa local lalo na yung nasa top and active, mapapansin niyo yan if you checked every thread, it's to encourage everyone na gumawa ng thread/topics to make the local active ulit.

Salamat at maganda ang layunin mo, let's work together and make this community active again.
Sana pati yung mga active dito dati na naka rank up na tapos tumigil na sa pag post, sana bumalik ng makatulong bumalik ang sigla.

if you have time kabayan, maybe you can share some of your ideas in this thread.

Need suggestions for our local improvement....
GreatArkansas
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2912
Merit: 1465


Bitcoin Fixes It


View Profile WWW
September 21, 2024, 12:31:08 AM
 #7

Para sa akin siguro, more threads na diskusyon ay makakatulog din, mag initiate tayo para yung iba maki pag diskusyon din sa atin sa threads ng local natin.

Saka yung merits, kung meron man tayo mga extra, mag tulongan na din tayo, mas okay na focus tayo mamigay ng merits sa local natin, para jan mahikayat mga kababayan natin na maging active sa local section natin. Just my 2 cents.
arwin100
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3318
Merit: 1026


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
September 21, 2024, 10:07:18 AM
 #8

Para sa akin siguro, more threads na diskusyon ay makakatulog din, mag initiate tayo para yung iba maki pag diskusyon din sa atin sa threads ng local natin.

Saka yung merits, kung meron man tayo mga extra, mag tulongan na din tayo, mas okay na focus tayo mamigay ng merits sa local natin, para jan mahikayat mga kababayan natin na maging active sa local section natin. Just my 2 cents.

Yun talaga ang mainam gawin for now since more discussion maybe can attract those people who depart from our local board. Kaya sinusubukan ko talaga magawa at least 1 - 2 threads per week para may maiambag ako sa local natin at tsaka may pag usapan dahil. Di natin gagawin yun sobrang dry ng Pilipinas board at baka magsi alisan ng tuluyan ang mga tao.

Problema lang din kasi yung lack of merit natin dahil imbes na maganda sana mag send ng merit sa mga existing topic ngayon hindi ka makapag send dahil zero ang smerits mo at kailangan mo pang maghintay na maka earn bago makapag send ulit.

Pero pag may naapprove na merit source sa local natin baka yun ang maging hudyat na bumalik ang iba nating kababayan at mag post ulit sila dito.
Russlenat (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3388
Merit: 1073


Want to run a signature campaign? msg Little Mouse


View Profile
September 22, 2024, 01:23:14 AM
 #9



Pero pag may naapprove na merit source sa local natin baka yun ang maging hudyat na bumalik ang iba nating kababayan at mag post ulit sila dito.

Ito suggestion nakita ko sa thread na ginawa ko sa meta.

This one below is active (since 2018) but still not approve until now, so we basically have no merit source for now.

Application For Merit Source [Philippines Local Board]
Since it hasn't been approved since 2018 and you have no other active applications, don't you think it's time for someone else from your local board to apply?
Peanutswar
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1760


The Alliance Of Bitcointalk Translators - ENG>FIL


View Profile
September 24, 2024, 12:33:55 PM
 #10

Siguro new topics and dicussion lang naman ang need natin para dito sa community kaso ayun nga yung ibang member is tinamad na kahit mag engage sila sa community is wala pa din silang nakukuhang merit para dito. Kaya mas trip na din nila luminat ng ibang board na highest chance tapos alam naman naman nating sino ba ang ayaw na mapabilang sa mga signature campaign so another factor din ito kaya yung iba sa kanila di na nadalaw dito kasi di counted yung post for local unlike before talaga marami ang nag popost pa din sa local.

This one below is active (since 2018) but still not approve until now, so we basically have no merit source for now.

Application For Merit Source [Philippines Local Board]
Since it hasn't been approved since 2018 and you have no other active applications, don't you think it's time for someone else from your local board to apply?

I guess its the time na din para may mag lakas ng loob na mag apply ulit para mapansin tayo.
bhadz
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3024
Merit: 620



View Profile WWW
September 24, 2024, 09:39:55 PM
 #11

More engagement lang siguro. At dahil na din sa mga campaigns na hindi binibilang yung local posts kung kaya di sila nagpopost at active dito. Madaming mga kababayan natin na active sa forum pero di sila mag stop by dito kasi hindi counted. Sa tingin ko kabayan i-push mo yung pag apply bilang merit source dito sa local natin para madaming bumalik at kahit papano sumilip silip dito. Siguro kung marami ding mga giveaways baka isa din yung magpapasigla dito sa local.
I'm thinking of creating more topics in the forum to boost engagement from fellow members. It won’t just focus on topics about the Philippines but also cover global issues since crypto is worldwide. The more we know about what's happening around the world, the more aware we’ll be.
Sige lang kabayan, napansin ko nga na madaming nagi-initiate ng more topics. More topics to come para may mapag usapan tayo dito at magbahagian ng mga impormasyon tungkol sa mga topics na ginagawa niyo.

I guess its the time na din para may mag lakas ng loob na mag apply ulit para mapansin tayo.
Apply na kayo kabayan dahil kayo ang malaking contribution dito sa local natin pati na din sa outside board.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!