|
Mr. Magkaisa (OP)
|
 |
February 05, 2025, 11:05:01 AM |
|
Hindi na bago ang scam na ito pero malaki ang naimprove kumpara noon may 15 years na rin ang nakakalipas noong naging matunog ang scamming sa mga website ng porn at dating app. pero ngayon na kababalita lang sa local channel ng ating bansa ang AI love scam. Iniiscan nlng ang muka ng gumagamit ng computer at magiging muka na sa screen ang isang magandang babae na ikikilos naman kung ano ang bawat gawal ng iyong muka. Very realistic talga, at gaya ng lagi kong sinasabi sa bilis ng teknolohiya syang bilis din gamitin sa kalokohan upang makakulimbat ng pera. Ayon sa balita makikipagmabutihan sa kausap hanggang sa mahulo ang loob nito, at ayain mag invest sa isang scam. Dati ang ginagawa naman, makikipagchat lang sa mga foreigner hanggang sa hikayatin silang magregister sa isang website at pabilihin ng subscription gamit ang credit or debit card. https://www.youtube.com/watch?v=CrNf92zEyPs
|
|
|
|
|
crwth
Copper Member
Legendary
Offline
Activity: 3360
Merit: 1364
crwth.gunbot.com
|
 |
February 05, 2025, 01:45:20 PM |
|
Salamat sa pag share nito kabayan. Sobrang tagal na ng mga love scam na yan, hindi na dapat nagugulat ang mga tao pero dahil social creatures tayong lahat, madali mahulog pag may napansin tayong nagpaparamdam or maayos kausap pag dating sa chat. Madali lang talaga usisain ang mga ganito kaso madali mahulog and mga tao. Nakakakita nga ako ng mga video ng mga sikat na tao katulad ni Anthony Davis, na AI video pinaguusapan yung pag trade sa kanya. Lahat boses nya, pag galaw ng bibig, kuha eh, buti na lang pinapakita nito na hindi totoo yung video kung hindi naging isa 'tong babala para sa mga posibleng ma biktima.
Grabe na ang mga galawan ngayon lalo na kung walang alam yung iba.
|
|
|
|
|
PX-Z
Legendary
Offline
Activity: 2044
Merit: 1253
Wallet transaction notifier @txnNotifierBot
|
 |
February 05, 2025, 11:59:11 PM |
|
Haha. Kaya iwas iwas sa mga suspicious offers kahit na magaganda or gwapo ang makisalamuha online lalo nat sa gustong makahanap ng "love one" nila. Soon na gumamit silang word na "help", "assistance" tapus need ng mag send ng pera lalo nat malaking halaga, matic block agad, pero if malaki time mo, pwede paikutin at sayangin uras nila go, basta wag ka lang magse-send at wag mag pauto.
|
|
|
|
|
|
Mr. Magkaisa (OP)
|
 |
February 06, 2025, 12:52:49 AM |
|
Haha. Kaya iwas iwas sa mga suspicious offers kahit na magaganda or gwapo ang makisalamuha online lalo nat sa gustong makahanap ng "love one" nila. Soon na gumamit silang word na "help", "assistance" tapus need ng mag send ng pera lalo nat malaking halaga, matic block agad, pero if malaki time mo, pwede paikutin at sayangin uras nila go, basta wag ka lang magse-send at wag mag pauto.
as always, Pinoy will be pinoy, dapat mag-ingat sa mga ganito pero kung maingat ka na at alam mo ang mga bagay-bagay tapos marami kang time at medyo bored. Kawawa talaga scammers satin sa pantitrip na magaganap kasama pa ang todo pigil na tawa. Salamat sa pag share nito kabayan. Sobrang tagal na ng mga love scam na yan, hindi na dapat nagugulat ang mga tao pero dahil social creatures tayong lahat, madali mahulog pag may napansin tayong nagpaparamdam or maayos kausap pag dating sa chat. Madali lang talaga usisain ang mga ganito kaso madali mahulog and mga tao. Nakakakita nga ako ng mga video ng mga sikat na tao katulad ni Anthony Davis, na AI video pinaguusapan yung pag trade sa kanya. Lahat boses nya, pag galaw ng bibig, kuha eh, buti na lang pinapakita nito na hindi totoo yung video kung hindi naging isa 'tong babala para sa mga posibleng ma biktima.
Grabe na ang mga galawan ngayon lalo na kung walang alam yung iba.
Walang anuman kabayan, dapat lang ipakalat ang mga ganito para maging aware ang lahat, kung wlang maiiskam mauubos ang scammer sa mundo. Napakatalino lang talga nila, sa paglabas ng bagong teknolohiya naidudugtong agad nila sa panibagong pang iiskam. Matagal na ang love scam pero sa bagong gadget na meron sila ay napapaniwala na naman nila ang karamihan. before kasi recorded video, magandang pictures lang ang gamit at mga email and chats. ngayon kasi live na eh, real time na kayang gawin ang sasabihn ng kabila para mapatunayan na tunay ang kausap. sana lang maubus na ang scammer.
|
|
|
|
|
GreatArkansas
Legendary
Offline
Activity: 2912
Merit: 1468
Bitcoin Fixes It
|
 |
February 06, 2025, 02:50:24 AM |
|
Alarming! I'm worried if ang mga biktima kaya ang mga kapwa na Filipino din natin or mga taga ibang bansa? Pero the fact na kaya nila mag operate dito sa bansa natin ay nakaka alarma na, grabing kapabayaan ito ng mga otoridad natin na nakakalusot mga ganitong operasyon. For sure madami pang ganito nangyayari, what if yung iba nag ooperate sa mga bayan or malayo sa city at di masyado matao na mga lugar. Alarming talaga.
|
|
|
|
|
benalexis12
Full Member
 
Offline
Activity: 1008
Merit: 117
Buzz App - Spin wheel, farm rewards
|
 |
February 06, 2025, 05:59:38 AM |
|
Kailangan talaga maging vigilant tayo pagdating sa mga ganyang senaryo in terms of scam, saka ang Ai sa kapanahunang ito ay malaki din ang impact sa mga tao kaya lang siyempre meron paring pros and cons talaga. Yang mga love scam na yan mukhang hindi narin malilipol o masusupil yan, hindi naman sa pagiging negative.
Kaya yung salitang sana mawala na yang mga scammers, I think hindi na yan mawawala sa lahat ng mga bansa sa buong mundo hangga't merong mga tao na nabibiktima. Ang kailangan lang ay maging matalino at aware tayo para hindi tayo mabiktima ng mga scammers.
|
|
|
|
|
|
xLays
|
 |
February 06, 2025, 12:43:47 PM |
|
Alarming! I'm worried if ang mga biktima kaya ang mga kapwa na Filipino din natin or mga taga ibang bansa? Pero the fact na kaya nila mag operate dito sa bansa natin ay nakaka alarma na, grabing kapabayaan ito ng mga otoridad natin na nakakalusot mga ganitong operasyon. For sure madami pang ganito nangyayari, what if yung iba nag ooperate sa mga bayan or malayo sa city at di masyado matao na mga lugar. Alarming talaga.
Napunood ko na mismo ito sa TV sa GMA, base sa balita karaniwan na mga iniscam nila is mga taga EUROPE and Middle East. Kawawa talaga maiiscam nito walang pinag kaibaito sa mga nag invest ng pera, kaibahan lang dito pati feelings nag invest sila. Ang tanong ko dito is knowing na hired lang itong mga kapwa pilipino pero alam naman nila nagumagawa sila ng kalokohan makukulong ba itong mga ito? Alam naman na kasi nilang scam yung ginagawa nila pero go pa rin.
|
|
|
|
|
robelneo
Legendary
Offline
Activity: 3836
Merit: 1270
Enjoy 500% bonus + 70 FS
|
 |
February 06, 2025, 03:24:05 PM |
|
Parang naging madali sa mga scammer na mang scam dahil sa mga AI na ito, naging sophisticated na ang mga tools nila na kung ang isang potential victim ay walang alam sa Ai malamang mabiktima ng love scam nakakalungkot marami tayong mga kababayan na nagpapagamit sa mga sindikato, may mga kababayan tayo na wala ng konsensya na naaatim na magpakain sila sa pamilya ng perang galing sa masama. Kailangan na siguro na magkaroon tayo ng task force para sagipin ang mga kababayan natin mula sa masamang gawain na ito.
|
|
|
|
|
jamyr
Sr. Member
  
Offline
Activity: 1904
Merit: 406
404' -- NOT FOUND. . . yet
|
 |
February 06, 2025, 04:52:16 PM |
|
Nakupo. Napakaraming balita tungkol sa mga sextortion modus where mostly the culprit and the victim started interacting via chat. Catfish naman ata iyong nadaan sa filters or talagang ibang tao iyong na sa pic. Kung ang mga ito ay rampant na , just because we Pinoys are naturally gullible lalo na if the technique focuses on taking advantage of our sympathetic personalities. Madalas tayong may kinikilingan or bias . Ako, I have bias in favor of the underdog , or sa dehado. Tsaka iyong storyline ni FPJ na bugbog sa una pero comeback is real nga.
Possibleng Solusyon :
Strict labelling of AI generated media or input para sa mga ML / AI ang field. Kagaya nung mga gamotgamot na gamit ay boses ng mga personalities tulad ng mga news anchor. Pati nga si Doc Willie Ong. Hahahah. Tapos parental guidance regulation at pagbawas sa pwedeng AI projects na ang ating mga minors ay maaaring maging exposed.
Magkaroon ng government body na ang sole focus ay makapag research and develop to avoid and prevent . Hindi iyong damage control lagi.
|
|
|
|
|
Baofeng
Legendary
Offline
Activity: 2940
Merit: 1700
|
 |
February 07, 2025, 10:51:12 PM |
|
Lalo na ngayong mag-aaraw ng mga Puso hehehe, dumami ang mga ganitong uri ng scam, lalo na sa mga dating apps na isa rin sa pinag pupugaran ng mga scammers. So dapat talaga meron tayong pagdududa sa katawan at wag basta maniniwala sa mga ganitong offer dahil nga sa AI technology.
Meron pa ngang isang balita na akala nya kausap nya CEO or President ng company nila at daming pinapagawa sa kanya including mag transfer ng malaking halaga. Hindi sya nag duda kasi nga akala nya na totoong CEO ang kausap nya.
|
|
|
|
|
GreatArkansas
Legendary
Offline
Activity: 2912
Merit: 1468
Bitcoin Fixes It
|
 |
February 07, 2025, 11:48:03 PM |
|
(....)
Strict labelling of AI generated media or input para sa mga ML / AI ang field. Kagaya nung mga gamotgamot na gamit ay boses ng mga personalities tulad ng mga news anchor. Pati nga si Doc Willie Ong. Hahahah. Tapos parental guidance regulation at pagbawas sa pwedeng AI projects na ang ating mga minors ay maaaring maging exposed.
Magkaroon ng government body na ang sole focus ay makapag research and develop to avoid and prevent . Hindi iyong damage control lagi.
Korik!!! Talagang dapat bigyan ito ng pansin, alarming na, just like recently yung nabalita na ni raid ng mga NBI na condo na nagpapatakbo ng mga scam like love scam. Dahil dito mas makakatulong ito sa mga kababayan natin na mag bigay ng mas madaming trabaho lalo na mga IT people ng Pilipinas, napakadami ngayong mga walang trabaho sa Pinas, dapat talaga ito din yung mga tao which is more qualified at may alam sa trabaho na ito and proper training at knowledge. Dahil dito mas makakatulong din ito sa Bitcoin community natin mas malapit na dahil more into technology related na ito eh.
|
|
|
|
|
|
Text
|
 |
February 08, 2025, 12:14:32 AM |
|
Grabe talaga ang evolution ng scams kasabay ng pag unlad ng technology kaya sobrang important talaga ang awareness at critical thinking sa mga ganitong online interactions.
Sa scenario na ito pumapasok yung mga scammer na nagpapanggap na sugar daddy o mommy sa mga online dating sites and platform. Syempre magtataka ka kung bakit mo kailangan mag send sa kunwaring pinapadala nilang pera. lol
|
|
|
|
|
|
gunhell16
|
 |
February 08, 2025, 01:35:06 PM |
|
Grabe talaga ang evolution ng scams kasabay ng pag unlad ng technology kaya sobrang important talaga ang awareness at critical thinking sa mga ganitong online interactions.
Sa scenario na ito pumapasok yung mga scammer na nagpapanggap na sugar daddy o mommy sa mga online dating sites and platform. Syempre magtataka ka kung bakit mo kailangan mag send sa kunwaring pinapadala nilang pera. lol
Kung gaano tumitindi ang technology natin ay ganun din nag-aupgrade ang mga scammers din, ito ay napansin ko lang naman din, katulad nalang nung nagtrend ang AI ay ginamit din ito ng mga scammers para sa mga taong newly palang din namumulat sa mga ai technology. At siyempre dahil sa nasa high technology tayo ay nagiging mahirap din sa mga awtoridad na malipol o masupil din itong mga scammers na ito honestly speaking lang naman. Dapat gamit din ang AI pwede naman na masupil ang mga ito din diba?
|
|
|
|
|
SFR10
Legendary
Offline
Activity: 3598
Merit: 3950
|
 |
February 08, 2025, 04:36:11 PM |
|
Iniiscan nlng ang muka ng gumagamit ng computer at magiging muka na sa screen ang isang magandang babae na ikikilos naman kung ano ang bawat gawal ng iyong muka. Very realistic talga,
Sang ayon ako sa sinabi mo kabayan [realistic talaga ang mga results], pero it's worth noting na kung titignan natin ng mabuti, kayang kaya natin i-detect yung mga imperfect parts [e.g. panay nagbabago yung size ng forhead, mata at ang mga ngipin nila].
|
|
|
|
|
finaleshot2016
Legendary
Offline
Activity: 2198
Merit: 1032
Modding Service - DM me!
|
 |
February 08, 2025, 05:34:44 PM |
|
Need talaga maging maingat sa lahat ng mga applications or websites na papasukin, hanggat maari magkaroon muna ng research sa mga bagay bagay kasi kung gaano kadali iaccess ang internet ngayon, ganon rin naman kadali magresearch kung safe or may credentials ang isang bagay. Dami rin naman forum or sites na nageexist para ivouch anng isang bagay, madali lang din isearch. Kaya ngayon if mascascam ka talaga ng mga ganito, may pagkukulang ka din sa part mo. Aminin man natin o hindi, internet is a dangerous place din, hindi naman lahat na safe ngayon, tbh mas pinadali nga yung way para mang-scam kasi through internet lang, kaya be careful din sa mga binubuksang links. Sa panahon ngayon di naman din nagkulang yung mga tao magpaalala na maging maingat, kaya if may mga relatives kayong vulnerable sa mga ganitong pamamaraan, turuan din natin sila para malessen yung mga biktima ng scams, kasi tayo ahead na sa mga ganitong pamamaraan ng scammers.
|
|
|
|
|
cryptoaddictchie
Legendary
Offline
Activity: 2688
Merit: 1500
Fully Regulated Crypto Casino
|
 |
February 08, 2025, 07:25:07 PM |
|
Iniiscan nlng ang muka ng gumagamit ng computer at magiging muka na sa screen ang isang magandang babae na ikikilos naman kung ano ang bawat gawal ng iyong muka. Very realistic talga, at gaya ng lagi kong sinasabi sa bilis ng teknolohiya syang bilis din gamitin sa kalokohan upang makakulimbat ng pera.
Ayon sa balita makikipagmabutihan sa kausap
Grabe naman nakakatakot kung ang sa tingin mo ay kausap mo ay mukhang totoo na tao na pero kung kaya na nila gawin ito ngayon sa AI at technology, eh talagang madami sila mabibiktima niyan. Sigurado yung mga taong nagaasam na makakuha ng magandang kapartner or yung mga single na talagang looking ang punterya nila diyan. Dapat na talaga maging mapagmatsag.
|
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary
Offline
Activity: 2142
Merit: 1768
Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL
|
 |
February 09, 2025, 01:16:37 PM |
|
Grabe another scam na naman pero in different form lang tinatawag natin itong "Love bomb" kung saan kinukuha nila ung tiwala ng isang tao gamit yung love which is usually using the sweet messages at para makuha ung loob ng tao pero before is talagang totoong tao yung kausap nila pero ngayon with the power of AI is ginagawa na nila now is AI na ung nasagot which is same lang before sa Era ng pakikipag kwentuhan kay SimiSimi if naabutan nyo sya pero siguro ung mga non-tech people di mahahalata ung conversation if AI pero sa atin is halata mo minsan ung mga sagot eh unless ung pag kakagawa talaga dito is like human na casual conversation.
|
|
|
|
|
benalexis12
Full Member
 
Offline
Activity: 1008
Merit: 117
Buzz App - Spin wheel, farm rewards
|
 |
February 10, 2025, 01:51:18 PM |
|
Grabe another scam na naman pero in different form lang tinatawag natin itong "Love bomb" kung saan kinukuha nila ung tiwala ng isang tao gamit yung love which is usually using the sweet messages at para makuha ung loob ng tao pero before is talagang totoong tao yung kausap nila pero ngayon with the power of AI is ginagawa na nila now is AI na ung nasagot which is same lang before sa Era ng pakikipag kwentuhan kay SimiSimi if naabutan nyo sya pero siguro ung mga non-tech people di mahahalata ung conversation if AI pero sa atin is halata mo minsan ung mga sagot eh unless ung pag kakagawa talaga dito is like human na casual conversation.
Aba malupit nga yan, parang lumalabas robot na pala yung kausap mo nang wala kapang kaalam-alam. Though matagal na yung kunwari love ka ng babaeng makaka-chatmate mo pero in the end kapag nakukuha na nya yung loob mo ay paunti-unti na siyang gagawa ng kwento na may sakit yung anak o nanay o tatay nya na kailangan nya ng perang ganitong halaga, subok ko na yan kasi naging biktima ako nyan before, tapos pagkasend ko ng 1k dahil nga tiwala nakakavideokol ko naman, ayun pagkasend ko ng pera sa remitance ng cebuana sabay block ako sa messenger ko buset na yan. Kaya after ng mga pangyayari na ito sabi ko kahit kelan hindi na ako maniniwala sa ganyang mga istilo sa totoo lang, at ang dami kung naeencounter na ganito ang mga modus ng ibang mga babae na tila sanay na sanay talagang manloko ng tao dahil iisa ang script nila. Kaya sa mga malilibog na naghahanap nang makakarelasyon via social media apps or ganito ay ingat nalang.
|
|
|
|
|
|
Ararbermas
|
 |
February 11, 2025, 04:23:33 AM |
|
Hindi ma iiwasan yan kabayan kasi marami talagang mga tao na tinitake advantage ang ating makabagong teknolohiya para sa kanilang pang saralingin pangangailangan kahit na ito ay masama. . actually maraming ganap ngayong sa mga Ai platform na kun saan ginagamit nila ito sa pan loloko ng tao.. kaya hindi ako mag tataka kun sa anu ang kagandahan ng nagagawa ng AI ngayon ay mayroon din mga kababalghan na mag yayari at magiging mas malala pa sa future for sure.
|
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary
Offline
Activity: 2142
Merit: 1768
Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL
|
 |
February 11, 2025, 12:58:16 PM |
|
Nakupo. Napakaraming balita tungkol sa mga sextortion modus where mostly the culprit and the victim started interacting via chat. Catfish naman ata iyong nadaan sa filters or talagang ibang tao iyong na sa pic. Kung ang mga ito ay rampant na , just because we Pinoys are naturally gullible lalo na if the technique focuses on taking advantage of our sympathetic personalities. Madalas tayong may kinikilingan or bias . Ako, I have bias in favor of the underdog , or sa dehado. Tsaka iyong storyline ni FPJ na bugbog sa una pero comeback is real nga.
Possibleng Solusyon :
Strict labelling of AI generated media or input para sa mga ML / AI ang field. Kagaya nung mga gamotgamot na gamit ay boses ng mga personalities tulad ng mga news anchor. Pati nga si Doc Willie Ong. Hahahah. Tapos parental guidance regulation at pagbawas sa pwedeng AI projects na ang ating mga minors ay maaaring maging exposed.
Magkaroon ng government body na ang sole focus ay makapag research and develop to avoid and prevent . Hindi iyong damage control lagi.
Natawa din ako sa part na kahit si Doc Ong is ginagawan na din nila ng AI para lang mag promote ng mga herbal medicine nila eh, wala eh sobrang powerful ng technology kahit ano gawin natin sure ako if dadami lang ung mga case ng ganito tsaka lang ito aaksuyan ng government natin alam nyo naman mas inuuna nila mag talo talo sa loob ng senado kesa gumawa ng mga action para sa mga tao tulad ng mga ganitong klaseng usapin. So yung action din na to feel ko malayo pa sa tunay.
|
|
|
|
|
|