 |
February 15, 2025, 04:48:55 AM |
|
Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) narescue ang 34 Indonesians from an alleged Chinese-run Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub in Pasay City.
Ayon sa PAOCC, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang Indonesian national na nagsabing siya ay pinakikilos laban sa kanyang kagustuhan at kinukulong sa loob ng Kanlaon Tower, isang condominium sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Kasama ang Southern Police District at sa koordinasyon ng Indonesian Embassy, naglunsad ang PAOCC ng operasyon at nailigtas ang 34 na Indonesian mula sa naturang gusali, kung saan matatagpuan ang hinihinalang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) hub.
Ayon kay Winston Casio, tagapagsalita ng PAOCC, inaresto ng mga awtoridad ang isang Chinese na babae na si Liu Meng, kasama ang dalawang hindi kilalang Chinese nationals at isang Malaysian.
Sinabi ni Casio na ang 34 na Indonesiano ay mga dating manggagawa sa POGO. Ayon sa kanila, tinapos ang kanilang kontrata noong Enero 21.
"Nagpahayag na sila ng intensyon na umuwi sa Indonesia, ngunit tinanggihan sila ng kanilang amo, si Liu Meng, at kinuha ang kanilang mga pasaporte. Kaya't ito ay isang malinaw na kaso ng human trafficking," dagdag pa ni Casio.
Ayon kay Casio, noong Pebrero 13, nailigtas din ng mga awtoridad si Wang Ye Fu, isang Chinese national na ikinulong sa isang hiwalay na condominium sa Parañaque City ng si Liu at ng kanyang mga kasamahan.
May mga bakas ng tortyur si Wang nang siya ay ma-rescue sa hindi pinangalanang condominium, kung saan tatlo pang Chinese nationals ang inaresto
Isa pang Pogo na nagpapatunay na mas pinipili ang bansa natin para sa mga masasamang gawin sa mundo dahil nakakapasok ng maluwag ang mga taong ito at nag ooperate ng isang pasugalan online. hindi ba natuloy ang pagbaBAN sa lahat ng POGO sa bansa natin?
Hindi lang ito ang una at hindi lang iilan, marami nang naibalita ang mga POGO na maraming biktima ng kidnapping at human trafficking.
|