Bitcoin Forum
January 06, 2026, 09:24:56 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Investment SCAM - FB hack  (Read 164 times)
Mr. Magkaisa (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1344
Merit: 448



View Profile
March 01, 2025, 01:57:15 AM
Merited by crwth (1)
 #1

Isa na namang pang -iiskam ang aking nakita at sa kaibigan ko ito nangyari.
Fresh na fresh ito ngayong araw at nahack nga ang kanyang Facebook account.
Nakita ko yung Post nya na weird kumpara sa posting nya talga. Isang screenshot ng Gcash at halatang edited ito na may lamang malaking halaga.



at may kasama pang pang-aakit para makahikayat ng mabibiktima.

Quote
This investment is real, paying without stress, keep your doubts aside and invest here. It's true, I was so scared at first because I was facing some difficulties investing with her and I had so many doubts in my mind. Thinking it  was a scam but God did it successfully after following all the instruction she gives me. Investing with Mrs Allison Shockley,  is one of the most profitable online business I have ever worked on. I'm happy I made the right decision to invest with ma'am Allison, who help me to improve my financial situation. Thanks Ma’am ,

after ng post dinagsa agad ito ng mga comment na hindi namn nya friend dati..



agad kong chinat yung kapatid nya para masabihan sya at muka naman confirmed na hack ang account nya.



habang ginagawa ko itong post na ito, wala na yung post dahil naayos na, pero yung mga sumita sa account at nagcomment na real friend and fam, nablock sa account nya Cheesy


Maging mapagmatsag tayo mga kabayan, If sa tingin na tin ay hack accouhnt or fake post, ipaalam agad natin sa ating kaibigan or kaanak para wala na itong mabiktima pa.

gunhell16
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2296
Merit: 589



View Profile
March 01, 2025, 12:38:03 PM
 #2

Hindi na bago yung ganyang modus ng mga scammers, madami naman ng aware sa ganitong galawan ng mga scammers sa totoo lang dude, pero madami parin din ang mga nahuhulog at nahahyped sa mga pinapakitang balance na malaking halaga sa gcash at palalabasin na galing dun sa link na kanilang mga pinopromote or anuman yun para makahikayat sila at maphishing yung mga biktima nila.

Anyway doble ingat nalang sa mga kababayan natin na madalas gumamit ng Facebook na huwag basta-basta magclick ng anuman na marereceive nila sa kanilang inbox para hindi sila mahulog sa phishing link ng mga scammers.
finaleshot2016
Legendary
*
Online Online

Activity: 2198
Merit: 1032


Modding Service - DM me!


View Profile WWW
March 01, 2025, 03:53:39 PM
 #3

Dami talagang mga ganyang scam ngayon, hindi na matapos tapos lalo na't matunog talaga ang digital money ngayon, lahat ng mga bagay na pwedeng gawan ng scam gagawin talaga ng masasamang loob na ayaw lumaban ng patas kaya ganon talaga. Kaya mas okay din talaga na protektado ang mga socmeds account mo at wag ilologin sa mga public devices katulad ng cafes, mas okay na talagang naka-login lang sa personal devices. Mas okay din na lagyan ng 2fa lahat ng accounts para masecure ang account at hindi ito basta basta mabuksan ng kahit sino man, kailangan na kailangan talaga ng doble ingat ngayon, talamak ang scammers 'til now, sobrang bagsak talaga ng pilipinas ngayon sa lahat ng aspeto.
crwth
Copper Member
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3360
Merit: 1364


crwth.gunbot.com


View Profile
March 01, 2025, 05:12:50 PM
 #4

Sobrang dali gumawa ng fake accounts at mag post ng kung ano ano para supportahan yung mga sarili nilang kalokohan. Yung mag mukhang "legit" ay kayang gawin pag maayos yung pag gawa nila. Yun ata yung nakakaloko sa mga taong wala masyadong alam sa mga ganitong scam at nasisilaw agad sa "uy ang laki ng pera, paano yan?" at hanggang sa mag tuloy tuloy na maubos pera nila sa pag tiwala sa ganung klaseng modus.

Naalala ko lang yung nag bebenta ako ng laptop noon tapos ang effort ng isang fake buyer na gumawa ng account ng kaibigan ko na tinutulungan ako mag benta tapos ginawan siya ng fake account na siya din ang may hawak. Hay mga kalokohan ng scammer.
Reatim
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 3430
Merit: 395

Want a legit manager ? Contact @yahoo62278


View Profile
March 01, 2025, 06:16:06 PM
 #5


agad kong chinat yung kapatid nya para masabihan sya at muka naman confirmed na hack ang account nya.



habang ginagawa ko itong post na ito, wala na yung post dahil naayos na, pero yung mga sumita sa account at nagcomment na real friend and fam, nablock sa account nya Cheesy


Maging mapagmatsag tayo mga kabayan, If sa tingin na tin ay hack accouhnt or fake post, ipaalam agad natin sa ating kaibigan or kaanak para wala na itong mabiktima pa.


siguraduhin nating secured ang mga accounts natin upang hindi maging vulnerable sa mga hack tulad nito ugaliing ayusin o i-enable ang 2fa or 2 factor authentication para kung sakaling may magtatangka na i-hack ang fb mo ay hindi ito basta bastang mahahack

maglagay rin ng password na hindi madaling hulaan at hindi mo ginamit sa ibang platforms para less chances na may makakaalam ng password mo maging matalino at alisto dumarami nanaman ang mga manloloko
robelneo
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 3836
Merit: 1270


Enjoy 500% bonus + 70 FS


View Profile WWW
March 01, 2025, 07:09:57 PM
 #6

Ang daming ganyan hindi lang sa FB ko yan nakikita kundi maging sa YouTube lalo na yung mga nag lilive, yang mga social media sites mahalaga sa atin yan dapat lamang na pangalagaan natin sa pamamagitan ng pag sasaayos ng setting sa security, wag din tayo mag sesave ng password sa browser.
Yang FaceBook may mataas na security setting yan yung mga users lang talaga ang pabaya na hindi sila knowledgeable kung paano aayusin ang security setting ng mga social media account nila.
Peanutswar
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1767


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
March 02, 2025, 08:24:33 AM
 #7

Isa din to sa awareness eh pag yung mga kakilala nyo or kaibigan nyo biglang nag post ng investment at invites sa mga thread nila which is hindi naman nila ginagawa before tapos biglang may flex na malaking halaga tapos malala pa dito is yung tulad ng post mo OP na nag english pa biglang unusual diba. Most likely scams or hacks account itong mga to. As possible is report natin agad sa kanila minsan kase may mga dead time tayo so di sila aware na hack na pala sila. Para maiwasan na din yung mga victim, tsaka grabe yung may pa comment pa na support sa thread.
Mr. Magkaisa (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1344
Merit: 448



View Profile
March 03, 2025, 06:42:55 AM
 #8

Isa din to sa awareness eh pag yung mga kakilala nyo or kaibigan nyo biglang nag post ng investment at invites sa mga thread nila which is hindi naman nila ginagawa before tapos biglang may flex na malaking halaga tapos malala pa dito is yung tulad ng post mo OP na nag english pa biglang unusual diba. Most likely scams or hacks account itong mga to. As possible is report natin agad sa kanila minsan kase may mga dead time tayo so di sila aware na hack na pala sila. Para maiwasan na din yung mga victim, tsaka grabe yung may pa comment pa na support sa thread.

TUMPAK! yan ang pinakadahilan bakit ako nagawa ng g anitong mga thread, para maipakalat at maging normal na yung pagsuplong agad asa mga SCAMMER.
sa pamamagitan ng tayo mismo na once mahalata natin yung foul post ay sabihan natin agad yung mga kakilala natin specially yung nahack or pinakamalapit sa kanyang tao para masabihan sya.

Sobrang dali gumawa ng fake accounts at mag post ng kung ano ano para supportahan yung mga sarili nilang kalokohan. Yung mag mukhang "legit" ay kayang gawin pag maayos yung pag gawa nila. Yun ata yung nakakaloko sa mga taong wala masyadong alam sa mga ganitong scam at nasisilaw agad sa "uy ang laki ng pera, paano yan?" at hanggang sa mag tuloy tuloy na maubos pera nila sa pag tiwala sa ganung klaseng modus.

Naalala ko lang yung nag bebenta ako ng laptop noon tapos ang effort ng isang fake buyer na gumawa ng account ng kaibigan ko na tinutulungan ako mag benta tapos ginawan siya ng fake account na siya din ang may hawak. Hay mga kalokohan ng scammer.

kakahack plang pero planado agad ang galawan may support comment agad sa iabng account. ang talino ng mga scammer. madalas yung middle man pag nagbenta ka scammer din ahhaha.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!