Bitcoin Forum
January 07, 2026, 05:33:05 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: SALITANG "VISHING" at tamang pagbigay ng OTP  (Read 174 times)
Mr. Magkaisa (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1344
Merit: 448



View Profile
March 18, 2025, 06:31:41 AM
 #1

Ang Vishing, o Voice Phishing, ay isang uri ng cyber attack na ang modus ay ang pagpapanggap ng isang caller na siya ay isang bank employee. Kinukuha nila ang inyong personal or bank information para magamit nila ang inyong account.

Maging alerto kung ang tumatawag ay:
▪ Nagre-request ng sensitibong information kagaya ng One-Time Password o OTP.
▪ Naghihingi ng personal na information katulad ng birthday.
▪ Minamadali ka sa desisyon o isang aksyon katulad ng pagpayag sa isang transaction.

Isama narin natin ang tamang pagbigay ng OTP, o nararapat ba itong sabihin sa kausap.

Kailan ba natin pwede ibigay ang natanggap na OTP sa kausap natin na representative ng banko?

Dapat mo lamang ishare and iyong OTP
IF and on IF!!!
Ikaw ang tumawag sa hotline ng bangko, dahil ginagawa nila ito upang maverify ang iyong katauhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng OTP sa nakarehistro mo na telepono sa iyong account.
HUWAG at NEVER mong ibibigay ito kung ikaw ang tinawagan dahil hindi mo kailangan patunayan ang inyong pagkakakilanlan.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!