Bitcoin Forum
December 29, 2025, 02:10:37 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Pusta de Peligro ! (Iwasan)  (Read 181 times)
Mr. Magkaisa (OP)
Sr. Member
****
Online Online

Activity: 1344
Merit: 445



View Profile
May 16, 2025, 02:24:41 AM
 #1

Ang Pusta de Peligro ay isang bagay na huwag na huwag mong gagawin.
Ito ay isang desisyon sa pagsusugal na hindi dapat ugaliin.

Ang pagsusugal ay isang libangan na dapat masaya kang ginagawa at yung kaya mo lang ipatalo ang dapat itaya.
Ano nga ba ang Pusta de Peligro?

Pagsusugal na...

1. Maaring hindi mo mabayaran ang inyong bills dahil naitaya mo.
2. Apektado ang budget mo sa isang buwan/linggo o araw.
3. Pag gamit sa ipon upang maitawid ang pagususugal.
4. Pag-utang upang magkaroon ng puhunan sa sugal.
5. Paghingi ng pera para sa ibang bagay pero gagamitin lang sa sugal.

Ito ay isa ring sign sa pagkalulon sa sugal. Kung isa dito ay inyong nararanasan, maiging huminto muna ang mag muni-muni.
Wag lang sarili ang ipoahinga pati ang bulsa.

Dagdag payo mga kabayan:

WAG NA WAG mong gagamitin ang iyong credit card para lang makapagsugal.
Huwag mong sabihing kontrolado mo ang bagay at kaya mo itong limitahan, dahil pagdating ng Pusta de Peligro, maari mo itong makalimutan.
Sa una lang masaya, hindi mo mamamalayan, Lubog ka na.

Ang Sugal ay paglilibang at hindi paglubog sa buhay.
Shamm
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1218
Merit: 366


View Profile
May 17, 2025, 01:00:56 AM
 #2

<....>

Self control lang talaga Ang kailangan kapag Tayo ay nag susugal Kasi Alam naman nating LAHAT na Ang pagsusugal ay Hindi nakakabuti kapag Tayo ay lulong na.
At ito pa may mga tao Kasi na ginagamit nila Ang kanilang kita sa pag susugal na Alam naman natin na mali. Kasi may posibilidan na matalonat maubos pa Ang pera na pinaghihirapan.
Gambling is for fun not a source of income dapat natin yang alalahanin palagi.
Peanutswar
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2142
Merit: 1760


The Alliance Of Bitcointalk Translators - ENG>FIL


View Profile
May 20, 2025, 02:42:08 PM
 #3

Akala ko naman its all about tips regarding with finances, its a note pala about gambling. Pero back on the track, if mahilig kayo mag sugal I guess its not the best hobby that I/we can recommend because there's no assurance you can win this so its just a 90% casino win rate and 10% lang sayo only small percentage lang ng mga tao ang nanalo dito sa sugal kaya isa nga ito sa may mga pinaka malalang cases about addiction kasi nga di lang ikaw yung affected but also people around you too. Limit your capital and if kaya nyo nga di mag sugal wag nyo na pasukin to e marami na din ang nalulong sa mga easy money na ganito which is high risk kung tutuusin nga eh.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!