Sa bawat paglabas ko ng bahay, may mga taong nagtatanong sa akin kung anong work ko. Nagtratrabaho pa rin naman ako as a government employee pero may mga times na nasasabi ko na may income source din ako online which is itong
signature campaigns na alam naman na napakalaking tulong para sa atin na nasa developing country gaya ng Pilipinas. Aminado naman tayo na kahit papaano ay kumikita rin tayo dito sa forum bukod sa 8 hours job natin.
Ngayon kapag tinatanong nila kung ano yung ginagawa ko online, hindi ko masagot ng diretso dahil hindi ko alam kung paano ko i-eexplain. Mayroon ba dito na nakapagshare na rin sa ibang tao na isa sa kanilang income source ay ang signature campaigns dito? Kung mayroon, paano niyo ito ine-explain sa kanila sa paraang maiintndihan nila.
Salamat at kung may masama sa ginawa kong topic, pakisabi at i-dedelete ko ito kaagad or i-lolock.
