Dapat talaga, yung mga uutangan ng bansa natin ay huwag muna tayo pautangin. Dahil lolobo lang ang utang tapos mapupunta lang sa mga kurakot. Kung ito ang paraan ng nasa taas para matigil o literal na mahiya itong mga kurakot, dapat lang. Baka next niyan IMF o World bank na magsabi na ititigil na muna din nila ang loans sa bansa natin. Madaming pondo kaso nga lang nakukurakot. Tapos itong Depart of Finance natin tinatanggi na hindi naman daw tayo umuutang sa SK.
Nakakahiya na nga malaman na ganun, hindi ba naiisip ng ibang tao kung ano ang magiging epekto nito? Dapat talaga maging marunong ang mga tao sa pag halal ng matitinong tao sa pag papatakbo ng bansa at huwag yung mga may skandalo o history ng korapsyon.
NAKAKAHIYA! yan ang tingin ng marami kahit kapwa Pilipino sa ating bansa at gobyerno. Hindi matatapos sa KOREA ang pagpapahinto ng pautang.
Maaring sumonod ang JAPAN na isang maprenisipyong bansa rin tulad ng Korea. Ang ating pangulo ay masyaodng nabubulag sa mga bagay na dapat nya pagtuunan ng pansin.
Sana nga sila na lang ang huli pero kung pati ibang bansa na ang nag sabi nito, mas malaking problema para sa mga Pilipino dito dahil hindi lalo uunlad ang bansa.
Gaya ng:
1. SPEAKER OF THE HOUSE, ang kanyang pinsan ang matinding pasakit sa kanyang gobyerno na hindi nya maaksyunan, dahil ang pagsupil dito ay pag amin din ng kanyang kahinaan at mangangahulugang tama ang bise noon pa man.
Sana totoo ang sinasabi ng presidente na walang sasantohin mapa kamaganak, ka-alyado, o kung sino man. Basta may katiwalian, parusahan dapat sila at makulong.
2. TUtukan ang DPWH at flood control issue upang mapabilis ang imbestigasyon at maresolba agad, lalala ang internasyonal na problema ng bansa hanggat hindi ito natutuldukan.
Mabuti na at si Vince Dizon na ang nag simula at mukhang maganda ang pag appoint sa kanya dahil mayroon na agad na isinumite sa DOJ para mabigyan ng kaso ang mga tao. Sana hindi lang 'to sa simula.
3. Ipatigil ang mga plano at balak sa pagpapabagsak sa BISE, huwag na muna haluan ng politika ang bansa malayo pa ang 2028, magfocus sa development at future plan para sa pag-unlad ng bansa.
Sa tingin ko hindi 'to matitigil dahil may korapsyon na allegedly ginawa ang bise presidente. Okay lang sa 'yo na may allegations sa bise presidente at nasa posisyon pa din yun? Maraming dapat managot ng dahil sa korapsyon.
4. Siguraduhing mapangalanan ang mga kurakot, para di na pamerisan ng iba at hindi na muling iboto ng mga tao.
Maging matalino sa pag boto.
5. Natutuwa ang NPA at iba pang makakaliwang grupo ng bansa, nagiging watak ang gobyerno na nais nilang mangyari, ang mga nakapalibot ngayon sa presidente ay mga ANAK ng kilusan.
Pinangalanan ito ni JOMA sison na leader ng NPA pero ayaw pa REDTAG.
Paki lapag nga ng iyong reference tungkol dito? Hindi ko pa ata 'to nababasa.