Ganda ng move na ito ng Binance pero tingin ko kakaunti lang ang makaka-benipisyo nito dahil ang lugar kung saan tumama yong lindol ay isang probinsya ng Cebu, i mean hindi siya mismo sa Metro Cebu kaya kung mayroon mang may Binance account ay kaunti lang. Ang pangunahin kasing pangkabuhayan ng mga tao doon ay pagsasaka at pangingisda, wala masyadong mahilig sa cryptocurrency doon but still it is a good move by Binance.
Hindi natin masabi yan, brother, yung moderator ng altcoinstalk na si TomPlus ang alam ko may taniman sila at nakatira sila sa probinsya di ko lang alam kung tinamaan sila ng lindol, pero gayunpaman merong tayong mga kababayan na nakatira sa mga rural areas na active din sa Cryptocurrency, basta kung saan may naabot ng internet may mga kababayan tayo na hahanap ng pagkakakitaan sa internet.
Mas maganda nga sa mga rural areas kasi mas tahimik doon mas mahaba ang oras nila online para maghanap ng pagkakakitaan at pwede ang cryptocurrency sa kanila.