Lesson na nila yan. sa dinamidami na nang balita na crypto scam dito sa pinas, either sobrang guilible nalang nila or alam na nila yung modus na scam yung shitcoin na yan pero isa sila sa mga tao na nag ririsk sa shitcoins na mag buy and sell ng mabilisan para mag ka profit.
Base sa nakikita ko ay alam naman nila na scam ang pinasok nila, Sadyang sumasabay lang talaga sa hype at nagbabaka sakaling kumita habang bago pa ang project. Kaya ayon easy target sila ng mga influencer na ganyan na balak mang scam ng kanilang mga followers.
Kaya di mapagkakatiwalaan eh kapag ang project eh developer ay known Filipino or gawang noypi. Usually kasi nagrurugpull sila lalo pat sa mga memecoin. Talagang ginagawa na nila ng negosyo gawa lng ng gawa ng mga walang kwentang memecoin tapos idudump sa mga kababayan natin. Ginagawa din naman ng ibang lahi ito pero may mga launch na talagang fair at kusang nagkakaroon ng organic trading volume. Laki daw price ng nft na binenta niyan tapos ayun nga rug pull malala.
Di naman sa pagmamaliit sa kakayahan ng ating mga kababayan. Pero agree ako sayo, kahit noon pa man ay iwas na talaga ako sa mga projects na pinoy ang may gawa lalo na pag alam ko di nila kayang supportohan for long term ang project nila dahil ma uuwi lang talaga ito sa rug pulls or scam.
Paulit ulit lang talaga na cycle yan at for sure gagawin na naman nila ulit yan at magpapalit lang ng identity sa fb.
Karamihan kasi talaga ng mga pinoy na involved sa crypto ay kusang loob na sumusugal sa mga meme coin at ibang shit coins para sa quick profit atugali na talaga nila na makiride sa hype lalo na kapag galing sa sa influencer yung call.
Mahilig tayo sa following the herd at samahan pa ng sugal kaya halos alam naman talaga nila yung ng rug pull pero pinapasok pa dn nila dahil sa potential profit kapag pumaldo yung project then maka exit agad.
Deserve naman nila yan tapos sabay sisi kapag nalugi.
Ito din ang problema na nakikita ko dyan, kumbaga willing victim sila at common mindset nila na afford to lose naman nila ang perang sinugal nila kaya tanggap na nila kung di man sila kumita. Yang mindset na yan ang magpapahamak talaga sa kanila dahil lolobo ang ulo ng mga scammer na gumawa ulit ng mga ganitong bagay.
Napansin ko lang na marami parin talagang hindi natututo sa mga ganitong scam, either nagpadala sila ng hype or talagang hindi lang nila alam pero as an investor, dapat matuto kang magresearch dahil pinagpaguran mo yung perang iinvest mo at dapat alam mo yung risk at kung paano ka kikita sa investment mo or at least alam mo kung anong klaseng coin yung bibilhin mo or anong use nito sa totoong buhay. Hanggat hindi nasscam ay madalaw hindi talaga natututo ang mga pinoy. It's okay kung medyo bago bago pa yung scheme kase usually hindi naman natin alam yung scheme unless mangyari na, pero yung rug pull sobrang tagal na neto at sa dinami dami ng totoong coin, talagang sa mga ganito pa nila gusto mag invest.
Anyway, hindi naman natin sila masisisi yung iba gusto lang talaga kumita or hindi talaga nila alam, siguro dapat magtulungan nalang tayo mag share ng mga information para maiwasan narin ng iba yung mga ganitong stunt ng mga influencer na'to. Panigurado sasabihin ng influencer na yan na "wala akong alam dyan", "hindi ako yung nag rug pull, yung mga developer".
Same thing ng nangyari kay hawk tuah girl nung nag labas sya ng coin at nag rug pull.
(
reference)
Isa pa yang reference mo dami din nauto nyan. Naging viral sensation lang at yun dagsa ang mga tao sa pagbili ng shit token nila. Kaya ayun same situation happens at marami na naman ang natalo. Paulit ulit na sinabi na lesson learn dapat pero karamihan sa kanila di tlaga natututo or nadadala sa mga pagkakamali nila.
May Bitcoin naman pero ba't kaya sa mga scam na ganyan parin nag iinvest ang iba nating kababayan? Halata naman na sila lang ang pinagloloko ng mga infleuncers na yan.
Kaya ingat tayo at wag sumugal sa napaka obvious na scam at mas mabuti pang piliin rekta si Bitcoin at iba pang top altcoins.
Mahilig kasi tayong mga Pinoy sa "get rich overnight" kaya kung ano-ano nalang na investment scam ang sinasalihan natin. Kahit ako mapapasama talaga sa ganitong scam kung may chance naman na mabawi ko ang puhunan kahit alam ko na scam ito, ewan pero parang susugal talaga ako sa mga ganito. Nasa dugo na ata nating mga Pinoy ang pagka-sugarol na kahit maliit na pera ay itataaya natin baka sakali ito ay lumaki.
Ito talaga ang magpapabagsak sa mga tao at sa pagkakaroon ng mindset na ganyan ay lalo silang tataob. Kung babaguhin lang nila ang kanilang kaisipan at magsimula disiplinahin nila at isipin na bago makuha ang gusto nila ay dapat pag hirapan nila ito. Pero kadalasan talaga gusto shortcuts kaya dun sila dinadale ng mga scammer na yan.
For sure halos mga na rug pull dito ay mga bagohan din. Ito talaga problema din sa atin eh, saka lang matututo pag nawalan na ng pera.
Mga ganiton style din kasi high risk high reward or in short sugal talaga, basta mga ganito na pamamaraan.
Dapat magsilbing lesson din ito sa iba at wag na uulit. Dapat nga mag start din tayo e call out ung mga "influencers" kuno na ganito, dami ko ganito nakikita din sa facebook dumadaan sa timeline ko, di ko aakalain nag popromote pala ng mga ganito iba, kala ko tamang share or post lang ng mga meme about crypto yung iba.
Karamihan naman talaga baguhan, pero marami din akong nakikitang matagal narin. Yun bang sugal lang ng sugal at umaasa na makatisod ng jackpot sa alam nilang scam naman talaga na project.
yung iba kasi gusto maka una sa mga early released project at tingin nila dun sila mas kikita kaya ayan sa kangkungan bagsak nila nung nag rugpull ang project na sinalihan nila.