Ilang oras ang ginugugol ninyo sa daan dahil sa malalang traffic?
May time na hindi naman sobrang layo ng work place ko pero ginugugol around 1-2 hours travel papunta palang, tapos parehas at minsan more than pa kapag uwian na rush time.
Ano ba talaga ang solusyon sa traffic? Road widening/road creation o pag-aayos ng transportation system?
Road widening isa lang yan sa solusyon. Pero ang pinaka solusyon ay bawasan ang patuloy na madaling pag acquire ng sasakyan kasi karamihan sa nagca-cause ng traffic ay private cars. At ang pinaka solusyon ay paigtingin ang public transport, bus, tapos bike lanes, etc.
At kung hindi pa ninyo narerealize, na ang traffic ay resulta rin ng korupsyon well it’s time to open our eyes. Ang daming mga kalsada ang ginagawa at hindi matapos tapos na nagreresulta sa traffic. At traffic prevents economic growth. Korupsyon talaga ang papatay sa ating bansa.
May pag-asa pa kaya tayong mga Pilipino?
May pag-asa at naniniwala ako doon, nagsisimula din yan sa pagdisiplina natin at tamang pagboto ng mga pulitikong totoong may puso para sa bayan. Mayaman naman ang bansa natin at madami ding mayayaman na mga pinoy kaya bili lang ng bili ng sasakyan at iwas lang din sa coding lalo ngayon may EVIRA law, nage-exempt sa mga EV/cars sa coding.