Bitcoin Forum
January 09, 2026, 05:05:01 PM *
News: Due to a wallet-migration bug, you should not upgrade Bitcoin Core. But if you already did, there's no need to downgrade.
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: GISING PILIPINAS!!!  (Read 38 times)
Jeorgejs (OP)
Newbie
*
Online Online

Activity: 26
Merit: 1


View Profile
December 17, 2025, 02:35:42 PM
 #1

Sang ayon kaba sa pag-iimbestiga sa pinakamababang antas ng Pamahalaan?

Isa ito sa naisip kong paraan para mahuli ang tiwali sa ating Gobyerno.

Ang lokal na pamahalaan ang pinakamalapit sa mamamayan. Dito nagsisimula ang implementasyon ng mga proyekto at serbisyo publiko, kaya’t madaling matukoy ang anomalya tulad ng overpricing, ghost projects, o hindi tamang paggamit ng pondo. Kung magsisimula sa lokal na antas, mas mabilis ang pagkakalantad ng katiwalian dahil kilala ng komunidad ang mga opisyal at mas madaling mangalap ng ebidensya. Bukod dito, ang maliit na saklaw ng lokal na pamahalaan ay nagiging advantage sa mga imbestigador—mas mabilis ang pag-audit at pagproseso ng mga kaso kumpara sa malalaking pambansang ahensya.

at isa pa sa problema ng pilipinas ay nabibili tayo sa mababang halaga pero di natin alam na kinabukasan natin ang kapalit ng ating pinagbil.

kaya marapat na maging mapanuri at piliin ang kandidato base sa kwalipikasyon at integridad, hindi sa pansamantalang benepisyo. Sa pagtanggi sa vote buying, pinapalakas natin ang halalan at tumutulong sa pagbuo ng mas maayos at maunlad na bansa.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!